Dreamhouse Construction – Materials and Labor Cost

|

Sa mga may plano magpagawa ng bahay i-share ko sa inyo kung paano ginawa (ginagawa hindi pa kasi tapos) ang aming bahay. Simula sa presyo ng mga materyales na ginamit at ang bayad sa labor para maitayo ito. Ang mga presyo ng materyales ay apektado ng maraming factors kaya maaaring hindi magkapareho sa hardware na malapit sa inyo. Nasa probinsya ng Albay po ang pinatayo naming bahay. Ang budget na ginamit ko ay galing sa aking ipon mula sa blogging at sa maliit na negosyo (at sa tulong na rin ng aking kapatid na OFW)


Planning

Hindi naman ito gaano kalakihan, wala ako kinuhang architect para gumawa ng plano (meron pala pero para sa pagkuha lang ng building permit), bumili lang ako ng floor plan online, hindi po ito complete na plano yung floor plan lang tapos ni-revise ko na lang at sa tulong ng foreman na kinuha ko at mga suggestions n’ya nabuo ang plano ng bahay. Gumawa ako ng model house na karton para mas madali masundan at parang actual nakikita yung gagawing bahay.

Model House
Ito yung Cartoon model na ginawa ko

Makikita ninyo na medyo iba ang ginawa kong model house, habang ginagawa kasi yung bahay marami pumapasok na mga ideas na sa tingin ko parang mas maganda at babagay (sa palagay ko) kaya marami nabago at dinagdag sa actual. Yung garahe pala nilipat namin sa right side, yung unang  plan kasi sa likod dapat pero medyo masikip.

Wala palang detailed drawing na sinusundan gaya ng size ng poste, beam, lalim ng pundasyon, mga size ng bakal na gagamitin at iba pa. Yung foreman ko na lang ang bahala kasi kabisado na n’ya ang sakin lang yung sukat at design ng bahay, basta sasabihin ko lang sa kanya dapat ganito, ganyan s’ya ba balaha sa detalye.

Permits

Pagdating naman sa permit, syempre kailangan may plano ang bahay (detailed plan) para mabigyan ng Building permit. Ang ginawa ko pinakita ko na lang yung floor plan na binili ko at nagbayad na lang ako para gawan ng plano base dun sa floor plan. May kakilalang architect yung foreman at sya na lang gumawa ng structural, electical, plumbing at iba pa. Umabot sa Php 35k ang nagastos ko para sa building permit, kasama na dito yung  pagpapagawa ng drawing, lahat-lahat na pinalakad ko na lang kasi alam n’yo na ang bagal ng proseso.

Materials and Construction

Pagdating naman sa materyales at construction ito ang ginawa ko para magkaroon kayo ng idea, ang size pala nung bahay ay sa ground floor 11.5m x 8.25m at sa first floor 8m x 6.7m kaya ang total square meter ay nasa 148sqm taas at baba na. Slab pala lahat hanggang bubong, kaya may rooftop.

Pakyawan ang labor at ako ang bibili ng materyales ganun ang usapan namin at ginawa kong stage-by-stage yung pag pakyaw nila. Ito ang presyo sa labor at materyales na ginamit every stage

StageJobLabor CostMaterials CostRemarks
1Skeleton StructureP250,000P1,025,000Ito na ang total cost ng materyales mula skelton hanggang ma-palitadahan or ma bole yung bahay.
2Paglagay ng Hollowblocks or AsintadaP80,000
3Palitada or Pag-BoleP220,000
4Doors/Lock/HingesP107,7779 lahat na pintuan ang pinagawa ko, kasama na ang hamba at mga door lock sa P107,777, gumamit kasi ako ng dalawang smart lock kaya medyo mahal.
5Skim CoatP70,000P32,720Bostik Skim Coat ginamit namin nasa P540 isang bag
6Door PaintP11,700P10,688Pinapinturahan ko na lang yung mga pintuan P1,300 ang pakyaw kada pintuan
7Windows/Sliding DoorP145,000Medyo marami bintana at may sliding door pa.
8Ceiling/Masilya/PaintP80,200P58,799Hardiflex 3.5, metal furring, C-channel at rivet ang gamit, yung hardiflex P390, metal furring P100 at Carrying Channel P110. Kasama na dito yung pag masilya ng kisame yung labor umabot ng P21,200 tapos yung sa materials P11,975 primer paint pa lang
9TilesP71,500P114,050Mariwasa karamihan na tiles ginamit ko 60×60 sa garahe 40×40 hindi kasama tiles sa lababo at sa rooftop

Skeleton Frame

Ang size ng bakal na ginamit namin ay 16mm para sa mga poste at beam, 10mm para sa stirrup or anilyo tapos gumamit kami ng 12mm para sa slab at ang sapin ng slab steel deck gamit sa halip na plywood. Ang labor pala pina pakyaw ko na lang, P250k ang napagkasunduan namin sa labor lang, sakin lahat ng materyales

Skeleton Structure

Steel Deck

Sa mga hindi pa nakaka-alam ito yung sinasapin sa buhos, imbes na plywood ito ang ginamit namin, hindi na pala ito tinatanggal mas matibay medyo mahal nga lang.

Inoorder pala itong steel deck wala kasi gaano gumagamit kaya bihira makahanap sa hardware, may kilala yung foreman na agent kaya dun na kami kumuha. Per meter pala ang presyo nito nasa 420 pesos per meter kuha ko, ang lapad nya 465mm halos kalahating metro. Inabot ng Php 100, 700 yung bili ko sa steel deck baba at taas na.

Steel Deck

Madali lang ilatag kapag nalagay na ang mga support na coco lumber.

Steel Deck With bakal

Pakatapos malagyan ng bakal, wine-welding yung mga dugtungan ng steel deck at bakal para hindi gagalaw at mas matibay

Slab

Inabot ng 2 months ang constuction ng skeleton, pagkatapos sinunod na ang paglatag ng hollowblocks, habang pinapatigas yung slab sa taas nag-aasintada na sila sa ilalim.

Pag-lagay ng Hallowblocks

Dreamhouse asintada
Front side

Medyo nagkakaroon na ng porma yung bahay nung unti-unting nalalagyan ng hallowblocks. Mabilis lang nalagyan ng hollowblocks, inabot lang ng 3 weeks nabalot na yung bahay ang nakatagal lang ng kunti yung paglagay ng canopy sa tapat ng bintana, kailangan kasi naka insert yung buhos sa asintada para walang leak.

Dreamhouse canopy
Back side

Pag-Palitada o Plastering

Dreamhouse Palitada

Medyo matagal bago natapos yung pag palitada o platering, mabusisi na kasi maraming kanto, rough finish lang pinagawa ko hindi ko pina puro para pag lagay ng skim coat makapit at hindi natutuklap. Inabot ng mahigit dalwang buwan bago natapos tatlo minsan apat na mason nagpa-palitada, wala rin pasok pag sabado at minsan pati linggo hindi rin sila pumapasok.

Nilalagyan namin ng Sahara halo na pang palitada para hindi tumagas, box type kasi design ng bahay kaya dapat waterproof ang wall, pag hindi kasi nagawang maayos parate nagkakaroon ng leak ang mga ganitong design.

Nagsimula pala ang construction ng skeleton structure June 28 at natapos ang plastering ay First week na ng November, halos weekend lang ang pahinga ang average na worker kada araw nasa 10 person (skill at helper).


Skim Coat

Pagkatapos ng plastering hinto muna construction at nag resume 2nd week na ng January, skim coat na ang sinunod ko, inabot ng isang buwang ang pag skim coat labas at loob, tatlong tao ang nag-aapply  ng skim coat. Bostik brand ng skim coat ang gamit namin para hindi raw madaling mabakbak.

Dreamhouse Skimcoat

Habang nag Skim coat, pakatapos nilang lihain or pag makinis na, ina-applyan ko na ng Primer, Boysen Flat Latex ang ginamit ko tapos hinhaluan namin ng Flexibond para mas makapit at maging waterproof ang mga wall.

Dreamhouse Skimcoat2

Hindi ko na pala pinapakyaw ang pag pintura pina-skim coat ko na lang at ako na nag apply ng Primer pati na yung top coat.

Dreamhouse Paint

Davies Elastomeric yung ginamit ko sa kulay brown at yung mga light grey ay Boysen na semi-gloss hinaluan ko na lang ng kunting itim para mag kulay grey.

Doors, Locks at Hinges

Dreamhouse doors

Sa mga pinto naman umabot ng P81,000 yung 9 na pinto parang pumapatak na tag P9,000 ang isa kasama na hamba at lahat ng sizes na. Sa main door ang size 90cm, sa mga kwarto 80cm at sa CR 70cm.

Gumamit ako ng dalawang smart lock, sa main door at sa kwarto namin, nasa mahigit P15,000 yung dalawa at yung saibang pinto nilagyan ko na lang ng Yale door lock. Ang mga hinges na ginamit yung heavy duty na Amerilock 3.5 x 3.5, apat sa isang pinto.

 Door Paint

Pakyaw yung pag pintura ng mga pinto kasama na mga hamba, P1,300 kada pinto kasama hamba ang pakyaw ng pintor

Dreamhouse door paint

Sa main door lang pala kami gumamit ng pintura yung mga sa kwarto ginamitan na lang namin ng Boysen Sanding Sealer, hinaluan na lang ng pangkulay parang chocolate brown na pintura pag natapos, mas makatipid kasi hindi na mag primer.

Ito na yung natapos lagyan ng sanding sealer.

Dreamhouse door paint1

Windows

Sa windows umabot ng P145,000 ang total na binayad ko kasama na rin ang pagkabit nito. 1/4 ang kapal ng salamin.

Dreamhouse Windows

Ceiling o Kisame

Dreamhouse Ceiling

Sunod na ginawa yung paglagay ng kisame, hardiflex na 3.5 ang kapal ang ginamit namin, P390 ang isa dito sa kinukuhan ko na hardware, ang metal furring ay P100 at carrying channel ay P110. Modern design yung pinagawa ko, yung mga nilalagyan ng cove light.

Dreamhouse Ceiling1

Inabot ng isang buwan bago natapos yung kisame, may mga design kasi akong pinagawa, tatlo silang gumawa.

Dreamhouse Ceiling2

Deretso na pala yung pag-masilya at primer ng kisame.

Masilya Kisame

Pagkatapos ng kisame paglagay na ng tiles ang isusunod.

Tiles

Inabot ng P71, 500 ang labor cost sa pagkabit ng tiles at P114,050 naman ang cost sa materials, halos lahat Mariwasa tiles ang ginamit namin. Hindi pa pala kasama yung tiles sa mga CR at kitchen, sa floor lang lahat yan.

Paglagay ng Tiles

Railing

Sinunod na rin ginawa yung mga railing sa hagdan pati yung sa labas, hindi ko pa pala na compute kung magkano yung total na nagastos para sa mga bakal at yung labor, hindi ko makita yung ibang resibo. I-update ko na lang pag nakita ko na.

Stair railing
Railing sa Hagdan
Railing Sa labas
Railing sa labas, taas ng garahe

Ako na pala lahat nag masilya at pintura ng mga railings.

Kitchen Cabinet

Sunod na pinagawa ko yung mga cabinet sa kitchen, taas baba. Per flywood yung pagawa ko P1000 ang bayad para isa isang 3/4 flywood na magagamit. Inabot ata ng 15pcs na 3/4 marine flywood ang nagamit.

Kitchen Cabinet Kitchen Cabinet 2

Para makatipid ako na rin ang nag masilya at pintura ng mga cabinet. Pati pala yung pagkabit ng mga ilaw ako na rin ang gumawa. Ito na ang itsura ngayon sa loob at labas.

Back 2
Back
Back
Back
Front
Front

Sa ngayon hindi pa pala tapos yung dalawang CR sa taas, wala pa tiles.

NOTE: Yung materials and labor cost table pala sa taas, hindi lang yun ang total na nagastos, marami pa mga miscellaneous hindi ko naisama, hindi ko kasi nailista lahat-lahat. At, yung mga ako na lang gumawa instead na ibabayad ko pa, gaya nung mga ilaw (more or less nasa P40,000 yung total na nagastos ko sa ilaw), ako na lang lahat nagkabit pati pala yung mga camera.

Kung may mga katanungan kayo mag-comment lang po sa baba.


Subscribe for updates!

Enter your email address to subscribe and be the first to notified when we publish new article.


Previous

How to Get GCash Mastercard?

How to Register Online for the National ID

Next

4 thoughts on “Dreamhouse Construction – Materials and Labor Cost”


  1. Detailed, step by step, and very transparent scope of work. Highly commendable to everyone planning to build a dreamhouse. More power sir!

    Reply

Leave a Comment